Hello World!
March 30, 2010
My 20th Birthday
April 2, 2009
For Lei…
March 27, 2009lei…
bakit?
hanggang ngayon, pakiramdam ko na hindi totoo ang lahat…
nalulungkot…
naiiyak…
inaalala ang nakaraan…
mga tampuhan…
at tawanan natin…
bakit?
mayabang ka kasi eh…
kala mo kakayanin mo?
yan tuloy…
hindi na kita makakasama…
ang sakit sa puso…
pero ganyan talaga…
bukas, pupuntahan ulit kita…
gusto kong tignan ka…
lagi kasi kitang napapanaginipang tinitignan kita…
ihahanda ko ang aking sarili…
na masulyapan ka…
kahit sa huling pagkakataon…
gusto ko lang namang manatili sa akin…
ang masasaya nating pinagsamahan…
kumpleto pa sana ang OLUAM…
kumpleto pa sana ang DIAMERALD…
isa ka sa mga tunay kong kaibigan…
nahihimbing…
namamahinga…
lumilisan…
paalam!
I’m back!!!
January 29, 2009Hehe, after blogging sa aming college week blog, nakabalik na rin ako dito sa wakas. Sobrang busy talaga ang january sa aming lahat. Mula sa preparations, practices, photo shoot sessionsa marami pang iba hanggang sa mismong events at closing, involved na ata ako. Mabuti naman at successful ang lahat. Dahil na rin iyan sa pagtutulungan naming lahat.
Congrats sa mga AB Psychology Majors ng PLMun!!!
Happy New Year!!!
January 1, 2009
Happy Blessed New Year to all!!!
Ang dami pang exams!!! Kailangan ko nang mag-review. Lapit na rin CAS Week 2009!
Sana maging maayos ang week natin. Sana marami ring makuhang sponsors para masaya.
Hirap mag-organize ng pageant. Hindi pa nag-rereply yung mga candidates. Khit sana Globe ako at smart sila, mag-reply naman sana. TWENTY FOUR silang tinetext ko, sila isang reply lang ok na. haaayyy…
Lagot kayong laha sa akin!!! hehe…
Merry Christmas!!!
December 25, 2008Hehe, pasensya na po sa mga hindi ko nabati. Eto, online na lang po:
Good day!
Merry Christmas to all!!!
May the Lord bless you for the following years to come!
Advance Happy New Year na rin!!!
Actually, nag-text n ako sa iba, kaya lang nauusan me load eh. Pasensya na po talaga sa mga hindi ko na text!!!
GOD BLESS US ALL!!!
PPI Season 3 2nd Level - 1st Elimination
November 19, 2008Nakalulungkot mang isipin, nagtanggalan na naman sa PPI kagabi. Mahirap maging host ng naturang kompetisyon dahil ikaw ang mag-aanounce ng matatanggal. Mahirap dahil nakasama mo na at naging kaibigan ang mga kalahok…
Sa biyernes, ako, si em, si jeward, si kuya kenneth at sir albacete ay magtutungo sa makati (yata?) para i-defense ang aming project proposal sa ford… Gud luck samin!!!
First Day of Class (2nd Sem 3rd Year)
November 10, 2008
Maraming Salamat Po!!!
September 1, 2008Matagal-tagal na rin nang huli akong nakapagpost sa blog na ito. Ilang linggo na rin ang nakalipas. Matapos ang unang araw ko sa “I Am” workshop, hindi na ako naka-attend. Dumaan ang prelims na parang long test lang. Nagsagawa ng mga activities tulad ng “Jesus Christ Festival” at “USC Battle of the Brains: Season 2″. na ako at si Gerlie Sevilla ang nag-emcee. Akala ko noon ay makaka-attend na ulit ako sa workshop. Ngunit dumating ang Campaign Period, kasal ng pinsan ko, at mga kompetisyon na aming sinalihan.
Sa kabutihang palad, kami (Kuya Gelo, Ate Tina, Ate Dessa at ako) ay nagwagi bilang kampeyon sa isang kompetisyon na pinangunahan ng “Servants of Jesus Community Foundation, Inc.” na ginanap sa Muntinlupa Sports Center noong Agosto 16, 2008.
Sa sumunod na linggo, Agosto 19, 20 at 21, nagkaroon ng Eleksyon sa buong paaralan. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng mag-aaral ng PLMun ay nakaboto. Kung titignan ang bilang ng mga bumoto, halos kalahati lamang ng populasyon ang bumoto. Ako ay isa sa mga nanalo sa naturang eleksyon. Ngunit kung ang lahat ba ng esudyante ay nakaboto, mananalo pa kaya ako?
Agosto 26, nagsimula na ang “1st Semi-Elimination Night” ng “PLMun Pop Idol” na sinundan ng “2nd Semi-Elim Night” noong Agosto 29. Mahirap mag-emcee sa ganitong mga event. Sabi nga ng karamihan, “Hindi kita naramdaman.”
Kinabukasan, Midterm na namin. Ako ay nag-post ngayon dahil alam ko pag natapos na ang midterm ay marami na ulit gagawin. Baka mawalan ako ng time para makapagpost ulit.
Sa lahat ng sumoporta sa aking pagkandidato bilang Konsehal, Maraming Salamat sa Inyo! Tayo po ay magtulungan upang lalong umunlad ng ating pamantasan. GOD BLESS US ALL!!!
I Am Workshop: 1st Day
July 12, 2008We’ve just started our first day of classes in Lighthouse Christian Community. My first class is PHOTOGRAPHY (9:00am-12-00pm). It was an interesting class. Everyone in the class has criticized my photos. They said some of my photos has no specific subject. Then our teacher instructed us to take two photos to be submitted on next saturday.
On my second class, MEDIA (1:00pm-3:00pm), was also good. We have watched different videos like teasers, and short films.
My last class, STREET DANCE (3:00pm-6:00pm), was the hardest for me. I’m not that good in dancing. I’m also tired that time. I hope I can still take my dance class on the next months.
By the way, the most interesting part of my day is when we went home. There are koreans on the jeepney. My classmates dared me to talk to the koreans. So I talked to them, “Cwosong hamnida”, I said. “What?” the korean said. “Can you speak english?” I added. “Yes!”, he said. then we just talked about some korean stuff. I said some korean words I know. They were impressed I can speak hangeul. lol
D-Ex’s MMS Phones
July 4, 2008
Welcome Freshies, Shiftees and Transferees!!!
Isang maagang pagsalubong sa mga estudyante ng PLMun ang aming pinaghandaan. 6:00 pa lang ng umaga ay dumating na ako sa school upang mag-ayos ng mga upuan, at magbuhat ng mesa para sa program na gaganapin sa araw na iyon. Nagkaroon muna ng misa, habang kami ng aking partner sa pag-e-emcee ay nag-papractice para mawala ang kaba. Nang magsimula ang programa, bigla akong kinabahan. Noong una, hindi ako makapagsalita sa harap ng mga tao. Nang lumaon, ako’y nagsalita na at ngumiti nang ngumiti. Kahit nabubulol ako minsan, tuloy parin! Nakatutuwang isipin na nagawa ko iyon sa unang pagkakataon. Salamat sa oportunidad na ibinigay sa akin.
(Next time na ulit, matatapos na yung time eh! Tnx!)
Welcome Freshmen to PLMun!!!
June 28, 2008
CCJ Polo Shirt
Hehe, natutuwa naman ako! Akala ko kasi hindi na gagawin yung dinesign ko para sa CCJ. Hanggang kanina pag-uwi ko, may nakita akong babae na naka light grey na may logo ng CCJ sa harap. Naisip ko, “Parang familiar yung Polo shirt. Eto na kaya yung dinesign ko?”. Sabay silip sa likod ng babae. “Ayun! Nagawa na pala yung shirt!”. Salamat sa buong CSO & CCJ family!!! GOD BLESS YOU!!!
PLMun Enrollment
May 29, 2008Buti naman nakapag-enroll na ako ngayon. hindi ko na kailangang bumalik bukas. Nakakapagod din mag-bantay sa enrollment. Isa kasi ako sa mga naniningil ng USC Fee. Nakakatakot nga minsan baka sumobra o kumulang yung sukli… Pero buti na lang hindi kami na-short…
DVBS Part 2: Malipay Area
April 25, 2008
Kanina lamang ay nagtapos na ang isang linggong pagtuturo sa mga kabataan ng Malipay, Bacoor, Cavite. Hindi ko inakala na makadarama ako ng kalungkutan habang kami ay nag-aabot ng kanilang mga ribbons at certificates. Kalungkutan na hindi ko muna sila makakasama ng isang taon. Nasaksihan ko ang kanilang pamumuhay at masasabi kong napakasuwerte ko. Pagpalain nawa ang mga mamamayan ng Malipay. Mami-miss ko talaga ang mga mababait kong estudyante. Sa huling pagkakataon, nakapag-bonding kami sa isang lilim sa likod ng isang bahay, nagkuwentuhan at nagtawanan.
DVBS Part 1: Bilibid Area
April 19, 2008
Hindi ako CTE (College of Teacher Education) pero kaya ko pong magturo sa mga bata. Tungkol po sa Bible at Current Issues ang aming mga topic. Makukulit sila pero mababait din.
Thank you SSC…
April 15, 2008 Nagulat ako nung makita ko ‘to sa calendar sa school. Hindi ko akalain na ilalagay yung name namin ni JBu sa bulletin board…hehe, thanks sa pag-alala samin!!!
Oluam Photoshoot
April 6, 2008
Kahit na kami ay mga college students na, nakahahanap parin kami ng oras para sa isa’t isa. Matagal na ring natapos ang pamamayagpag ng aming grupo sa aming mahal na paaralan, ang Muntinlupa National High School. Malaking kasiyahan ang aming nadama nang kami ay nagkita-kita. Para bang ayaw na naming matapos ang araw. Kahit na hindi kami kumpleto, nararamdaman namin ang knilang presensya. GOD BLESS OLUAM!!! Lalo na sa mga bagong batch!!!
visit my multiply site for complete photos of the pictorial and bonding moments.
Special Citation Award
March 28, 2008
I thank GOD for giving me this blessing, a “Special Citation Award” given this morning at PLMun’s AVR in our recognition day. I know someday, I can also achieve an academic award. I must study harder in able for that to happen!!!



