Home » Archives » September 2009
Les petits resseaux font les grandes rivierres

Faith in the Filipino: Lessons from Raul Manglapus

September 8, 2009

Film:  Faith in the Filipino: Lessons from Raul Manglapus

Venue: Cinema 4, Power Plant Mall, Rockwell, Makati City

Date: September 8, 2009

 

Bago pa man kami makarating sa Rockwell, naligaw pa kmi ni Marlene sa kadahilanang hindi namin alam kung paano makarating doon. Nagtanong-tanong kami sa mga tao ngunit iba-iba ang kanilang sinasabi. Actually, isa’t kalahating oras kami naghintay ng masasakyan. Sobrang hirap sumakay sa tinigilan namin, sa Pacific Star Building. Sumakay na lang kami ng cab papunta sa rockwell power plant mall.

Pagdating namin sa  Rockwell, umakyat na kami agad sa Cinema 4 (late na late na kasi kami eh). Nagregister muna tapos may nag-guide na sa amin papasok. Laking gulat ko nang puro elite na tao ang nanonood sa loob. Karamihan pa mga lolo at lola. Parang kami lang ata, kasama pa ang hindi ko pa nakikitang CSGP members, ang mga kabataan doon. Nahiya pa kamng umakyat sa taas, dahil kitang kita kasi kami na humaharang sa mga nanonood.

Maganda ang palabas, narinig ko na ang  pangalan niya, pero hindi ko talaga siya kilala. Doon ko lang nalaman ang kanyang mga nagawa.

Matapos ang palabas, lumabas agad kami para mag-cr at magpicture-taking. Pinicturan ko muna yung booth, nakalimutan ko na nga picturan yung poster ng docu-film sa dami na rin ng tao. Sa aming paglalakad-lakad, nakita namin ni Marlene si former president Fidel V. Ramos (isa sa mga na-interview sa docu-film at sa mga nanood). Sa mga naunang magpakuha ng litrato, kaming mga youth leaders ay nakakuha rin ng pagkakataon ng magpalitrato kasama siya.

Matapos nito, dumeretso na kami sa Luna Gardens upang kumain. Doon, makikita mo rin ang mga malalaking tao. Una na rito si Jose de Venecia Jr. na aming tinawanag upang magpakuha ng litrato bago pa man siya makauwi. Matapos iyon, nagsimula na kaming kumain ng masasarap na pagkain. Pumunta kami sa isang bakanteng cocktail table upang makakain. Doon, nilapitan kami ni FVR at kinausap. Isang magandang karanasan na makausap namin ang dating presidente.

 Matapos iyon, kumain lang muna kami ng kumain, dahilan na rin sa sobrang gutom pagkagaling sa biyahe. Doon, na-meet din namin si Mr. Francis Manglapus. At bago man kami umuwi, nakasalamuha pa namin ang philippine’s team everest. Nakikilala niyo naman siguro sila. hehe…

Isa lang masasabi ko, “I Love CSGP!!!”

Posted by karlcasanova at 11:38 pm | permalink | Add comment