Maraming Salamat Po!!!
September 1, 2008Matagal-tagal na rin nang huli akong nakapagpost sa blog na ito. Ilang linggo na rin ang nakalipas. Matapos ang unang araw ko sa “I Am” workshop, hindi na ako naka-attend. Dumaan ang prelims na parang long test lang. Nagsagawa ng mga activities tulad ng “Jesus Christ Festival” at “USC Battle of the Brains: Season 2″. na ako at si Gerlie Sevilla ang nag-emcee. Akala ko noon ay makaka-attend na ulit ako sa workshop. Ngunit dumating ang Campaign Period, kasal ng pinsan ko, at mga kompetisyon na aming sinalihan.
Sa kabutihang palad, kami (Kuya Gelo, Ate Tina, Ate Dessa at ako) ay nagwagi bilang kampeyon sa isang kompetisyon na pinangunahan ng “Servants of Jesus Community Foundation, Inc.” na ginanap sa Muntinlupa Sports Center noong Agosto 16, 2008.
Sa sumunod na linggo, Agosto 19, 20 at 21, nagkaroon ng Eleksyon sa buong paaralan. Sa kasamaang palad, hindi lahat ng mag-aaral ng PLMun ay nakaboto. Kung titignan ang bilang ng mga bumoto, halos kalahati lamang ng populasyon ang bumoto. Ako ay isa sa mga nanalo sa naturang eleksyon. Ngunit kung ang lahat ba ng esudyante ay nakaboto, mananalo pa kaya ako?
Agosto 26, nagsimula na ang “1st Semi-Elimination Night” ng “PLMun Pop Idol” na sinundan ng “2nd Semi-Elim Night” noong Agosto 29. Mahirap mag-emcee sa ganitong mga event. Sabi nga ng karamihan, “Hindi kita naramdaman.”
Kinabukasan, Midterm na namin. Ako ay nag-post ngayon dahil alam ko pag natapos na ang midterm ay marami na ulit gagawin. Baka mawalan ako ng time para makapagpost ulit.
Sa lahat ng sumoporta sa aking pagkandidato bilang Konsehal, Maraming Salamat sa Inyo! Tayo po ay magtulungan upang lalong umunlad ng ating pamantasan. GOD BLESS US ALL!!!


