Home » Archives » 04. July 2008
Les petits resseaux font les grandes rivierres

D-Ex’s MMS Phones

July 4, 2008
Kahapon, naikwento sakin ni Tessa na lahat daw ng D-Ex na may MMS Phones ay may animated logo ng kanilang grupo. Natutuwa lang ako kasi na-appreciate nila yung ginawa ko. Thanks!!!
Posted by karlcasanova at 10:50 pm | permalink | Add comment

Welcome Freshies, Shiftees and Transferees!!!

Isang maagang pagsalubong sa mga estudyante ng PLMun ang aming pinaghandaan. 6:00 pa lang ng umaga ay dumating na ako sa school upang mag-ayos ng mga upuan, at magbuhat ng mesa para sa program na gaganapin sa araw na iyon. Nagkaroon muna ng misa, habang kami ng aking partner sa pag-e-emcee ay nag-papractice para mawala ang kaba. Nang magsimula ang programa, bigla akong kinabahan. Noong una, hindi ako makapagsalita sa harap ng mga tao. Nang lumaon, ako’y nagsalita na at ngumiti nang ngumiti. Kahit nabubulol ako minsan, tuloy parin! Nakatutuwang isipin na nagawa ko iyon sa unang pagkakataon. Salamat sa oportunidad na ibinigay sa akin.

 (Next time na ulit, matatapos na yung time eh! Tnx!)

Posted by karlcasanova at 11:27 am | permalink | Add comment