Bagong Cam, Bagong Buhay (A Reflection)
November 4, 2007Napaka-saya nga naman na magkaroon ng bagong digital video camcorder. Ngunit hindi ko agad napansin ang kaibahan ng meron nito. Una, ginagamit ko lang ito para sa aking personal na gamit hanggang isang araw ito'y akin nang ginagamit para sa aming publikasyon. Naging photographer ng mga events at ng mga photoshoots para sa mga kandedato ng isang pageant. Naging tagakuha ng litrato ng mga opisyales at taga-gawa ng kanilang mga ID at organizational charts. Para malinaw, 6 na IDs at 3 Organizational Charts. Ang 5 sa mga organisasyong ito ay sa akin din nagpa-disenyo ng kanilang organizational shirts.
Ngayon, natiggil sandali ang mundo ng picturan. Sa kadahilanang lagi itong nagagamit, napagod ang digi cam ko at panandaliang nasa check-up.
Marami naring nangyari, tatlong buwan na ang lumipas. Lahat ay nagsimula sa isang litrato…


