Home » Archives » November 2007
Les petits resseaux font les grandes rivierres

PPO’s A Musical Journey

November 10, 2007

Naaalala ko tuloy last year ata yun, nakakita ako ng poster ng Philippine Philharmonic Orchestra na may palabas sila sa Festival, Alabang. Unfortunately, hindi ko sila napanood. Pero this time, mapapanood ko pala sila at sa CCP pa. Second time ko na silang napapanood. Hindi kasi sila ang nag-shoshow pag napunta kami ng CCP eh… Pero ang saya talagang makinig ng classical music. Dati kasi sa Radio ako nakikinig ng Classical Music. Pampaulog ko kasi yan…

 Sa December 8 ulit! Abangan niyo ako CCP!!! haha… CCPChorale naman ang papanoorin namin!

Thanks Ma'am Jarata!!!

Posted by karlcasanova at 6:53 pm | permalink | comments[1]

Enrolled na ako!

November 5, 2007

Akala ko naman first time ko nang mag-enroll ngayong araw na ito (yung first three enrollements kasi namin, tatay ko nag-enroll sakin). Eh kaya nga lang, may inasikaso pa kaming papel para sa isa kong sinalihang organization. Umabot pa ng 3 pm un, letter proposal pa lang iyon… hehe… Kaya kanina, nagpa-enroll na lang ako sa dati kong classmate.

Next time ako na sana mag-enroll sa sarili ko para maranasan ko naman ung haba ng pila mula second floor hanggang first floor…

Posted by karlcasanova at 9:33 pm | permalink | Add comment

Bagong Cam, Bagong Buhay (A Reflection)

November 4, 2007

Napaka-saya nga naman na magkaroon ng bagong digital video camcorder. Ngunit hindi ko agad napansin ang kaibahan ng meron nito. Una, ginagamit ko lang ito para sa aking personal na gamit hanggang isang araw ito'y akin nang ginagamit para sa aming publikasyon. Naging photographer ng mga events at ng mga photoshoots para sa mga kandedato ng isang pageant. Naging tagakuha ng litrato ng mga opisyales at taga-gawa ng kanilang mga ID at organizational charts. Para malinaw, 6 na IDs at 3 Organizational Charts. Ang 5 sa mga organisasyong ito ay sa akin din nagpa-disenyo ng kanilang organizational shirts.

Ngayon, natiggil sandali ang mundo ng picturan. Sa kadahilanang lagi itong nagagamit, napagod ang digi cam ko at panandaliang nasa check-up.

Marami naring nangyari, tatlong buwan na ang lumipas. Lahat ay nagsimula sa isang litrato…

Posted by karlcasanova at 10:49 am | permalink | Add comment