Home » Post Item » Sa Festival Mall…
Les petits resseaux font les grandes rivierres

Sa Festival Mall…

August 18, 2007

Hindi ko talaga makakalimutan ang nangyari saming magkakaklase sa Festi. Noong August 7, 2007 kasi, nag-plan kami na mag-shoot ng commercial para sa Sales Presentation namin. So after ng exam namin (Mid-term Week kasi nun eh), ung iba samin dumaretso na sa festi, tapos ung iba kumuha pa ng damit sa bahay nila. Matagal rin kaming naghintay kaya nagpa-alam muna kami sa store na pag-shooshootingan namin. Pumayag naman sila. Tapos dumating na yung make-up artists ng classmates ko. Eh di nagpa-make-up muna sila… Kumain muna ako… Nung Ok na lahat, Umakyat kami ni tonet sa 2nd Floor para sa ganung angulo kunan yung simula. Maayos naming nakunan yung scene na yun hanggang umabot kami sa baba. Biglang may lumapit na lalaki sa isa kong classmate.

Tinanong nung mama, "Ano yang pinamimigay mo? May permit ba yan?". Namimigay kasi yung classmate ko ng brochure na kasama sa scene ng commercial namin. Tapos sinabi rin ng mama na bawal mag-shoot sa buong festival ng walang permit from admin office. So sinabi niya samin kung san yun para makapag-shoot daw kami. Punta naman kami. Nung una, nahihiya pa kaming pumasok. Dahil sa kagustuhan naming matapos na ang shooting, pumasok kami ng buong tapang. Lumapit sa amin ang isang lalaki at tinanong kung anong kailangan namin. Sinabi naman namin ang aming kailangan. Sabi niya kailangan pa raw gumawa ng proposal from our university na pirmado pa ng nakakataas upang mapatunayan na para sa school project lang ang ishu-shoot namin. Eh sa tingin namin, hindi rin kami agad papayagan ng school. Sa susunod na lunes kasi yun… Kaya umuwi na lang kami at sa school na lang kami mag-shu-shooting.

Kinabukasan bumagyo kaya walang pasok. Bawal rin kami mag-stay sa loob ng building. Hanggang sa sumunod na araw na hindi na pinayagan ng mga magulang na lumabas ng bahay ang mga classmates ko dahil malayo pa sila sa Muntinlupa. At sa dumating ang lunes na inakala naming hindi tuloy ang presentation dahil may mga exam pa sa ibang subjects… Sinabon kami ng ibang grupo dahil siguro kami lang ang may brochure at kami lang ang may box ng product na personalized pa… hehe… inggit lang talaga!!!

Posted by karlcasanova at 9:33 am | permalink

Previous Comments

tanga ka luko ka pa

Posted by oedz at July 5, 2008, 10:50 am

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment